BANGKAY NG NAANOD NA SENIOR CITIZEN, NATAGPUAN NA

Natagpuan na ang bangkay ng isang senior citizen na napaulat na inanod ng rumaragasang tubig sa ilog sa Sitio Ligayan, Balantoy, Balbalan, Kalinga noong Sabado, Oktubre 29, 2022.

Positibo namang kinilala ng kanyang pamilya ang bangkay na si Severino Lumacday, 61-taong gulang at residente ng naturang lugar.

Natagpuan ang katawan ng biktima sa tabing ilog sa Chico River sa Sitio Calbayan Catabbogan, Pinukpuk, Kalinga bandang 11:00 ng umaga ngayong araw Oktubre 31, 2022.

Matatandaan na tinamaan umano ng mga nahuhulog na bato ang matanda at nahulog sa bangin at inanod ng malakas na tubig sa Saltan River.

Pauwi na sana ang biktima sa kanilang bahay noong kasagsagan ng bagyong Paeng nang mangyari ang insidente.

Facebook Comments