Bangkay ng sundalong namatay sa enkwentro sa Bohol, dumating na sa Bacolod

Manila, Philippines – Dumating na kahapon sa Bacolod City mula sa Iloilo ang bangkay ng sundalong isa sa apat na namatay sa naganap na enkwentro sa Inabanga, Bohol noong Abril 11.

Malungkot man ngunit tanggap na ni Jane Cajaban ang naging kapalaran ng kanyang asawang si CPL. Miljune Cajaban, 29-anyos, kung saan kanyang sinabi na kabilang ito sa sinumpaang trabaho ng mister bilang sundalo ng gobiyerno.

Si Cajaban ang isa sa apat na miyembro ng military at pulis na namatay sa nangyaring enkwentro laban sa Abu Sayyaf sa Bohol.


Ang bangkay ng naturang sundalo ang nakahimlay ngayon sa bahay ng pamilya ng kanyang asawa sa Barangay Villamonte at nakatakdang ilibing sa darating na Linggo, April 30.

Ito ay bibigyan ng traditional military honor ng Armed Forces of the Philippines.

Dalawang anak ang naiwan ni Cajaban sa kanyang asawa, isang 2 year old at isang dalawang buwan pa lamang.

Kasama na namatay ni Cajaban ay ang isa pang taga-Negros na si Sgt. John Dester Duero ng Sagay City at sina 2nd Lt. Estelito Saldua Jr. at PO2 Rey Anthony Nazaero.
DZXL558

Facebook Comments