Bangkay ng sundalong nasawi sa bakbakan sa Marawi City, iuuwi sa Pagadian City ngayong araw

Pagadian, Philippines – Iuuwi ngayong araw sa siyudad ng Pagadian ang bangkay ng isang sundalong nasawi sa bakbakan na mga sundalo at pwersa ng Maute group sa siyudad ng Marawi.

Sa exclusibong panayan ng RMN DXPR Pagadian kay Estela Rota, ina ng sundalong nasawi na si Private Marlo Patrimonio Rota , 21 anyos na tanggap na nila ang sinapit ng kanyang anak matapos mapatay ng mga Maute sa nangyaring sagupaan sa Marawi.

Aniya bagong graduate ang kanyang anak noon lang Disyembre 17 bilang isang sundalo subalit agad itong binawian ng buhay matapos ang kanilang responde sa Marawi noong Marso 24 at natamaan umano ng isang sniper sa kanyang dibdib na tumagos sa kanyang likuran na agad nitong ikinasawi.


Dagdag pa ni Estela na tatlo sa kanyang mga anak ay mga sundalo subalit wala umano siyang tutol dito dahil kagustuhan ng kanyang mga anak na maglingkod sa bayan, habang nagbigay na rin ng pinansiyal na suporta ang gobyerno sa pamilya ng binatang sundalo.
DZXL558, Mel Coronel

Facebook Comments