Ozamis City, Misamis Occidental——Dinala na sa ponerarya ang bangkay ng pamilyang Parojinog na kasama sa mga napatay sa nangyaring engkwentro alas 2:30 ng madaling araw sa Barangay San Roque Lawis Lungsod ng Ozamis.
Isa sa mga napatay si Mayor Reynaldo “Aldong” O. Parojinog, ang kanyang asawa na si Susan, kanyang kapatid na si Boardmember Octavio Parojinog at isang JR, mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team at Civic Volunteer Organixation na nakilalang sina Miguel del Victoria, Nestor Cabalan,, isang Vasquez at meron pang hindi nakikilala.
Sa nakuhang report mula sa RMN-DXPR Pagadian di-umanoy mag serve sana ng anim na search warrant ang pulisya mula sa Lungsod kasama ang Misamis Occidental Police Provincial Office at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Kasama rin sa pinasok ng mga otoridad ang bahay ni City Councilor Ardot Parojinog sa Barangay Bagakay habang lima rin ang nahuli ng mga pulisya.
Nakuha sa kanilang posisyon ang isang shutgun,mga bala, RPG launcher, 2 handgrenade, m-79 riffle, at pinaghihinalaang shabu sa bahay mismo ni councillor Parojinog. (Mel Coronel/dxpr News team)
Bangkay ni Mayor Aldong ng Ozamis City at mga kasamahan nasa ponerarya na
Facebook Comments