Bangko Sentral ng Pilipinas, handang magbigay ng inisyal na tatlumpu’t-limang bilyong pondo para sa Maharlika Wealth Fund

Nagpahayag ng kahandaan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ilagak ang buong dibidendo ng ahensya para mapondohan ang panukalang Maharlika Wealth Fund o MWF.

Sinabi ni BSP Deputy Governor Francisco Dakila Jr., maglalaan ang ahensya ng 35 billion pesos bilang inisyal na pondo para sa MWF.

Matapos nito, magbibigay na lamang ang BSP ng 50 percent ng kanilang dibidendo para sa MWF dahil ilalaan na nila ang natitirang bahagi para sa kanilang kapital.


Dagdag pa ni Dakila, kapag fully capitalized na muli ang BSP ay ibibigay nila muli ang buong dibidendo para sa MWF.

Tiniyak naman ng opisyal na hindi maapektuhan ang international reserve ng BSP sa pagbibigay nila ng kontribusyon para sa naturang sovereign wealth fund.

Facebook Comments