Binalaan ni Senator Francis Tolentino ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP kaugnay sa plano nitong magbenta ng maliit na bahagi ng reserbang ginto ng Pilipinas.
Giit ni Tolentino, ang pagbenta ng gold reserves sa panahong may national emergency tulad ng dinaranas ngayong pandemya ay paglabag sa New Central Bank Act of 1993.
Sa pagtalakay ng Senado sa 2021 national budget ay nilinaw naman ni BSP Deputy Governor Francisco Dakila na kaunti lang at hindi majority ng gold reserves ang ibebenta.
Paliwanag ni Dakila, bukod sa pahintulot ng BSP Treasury Department ay may gabay rin ng Monetary Board Policy ang nasabing plano.
Diin pa ni Dakila, hindi nito maaapektuhan ang international reserves ng bansa na umabot na sa record high na 98.6 billion dollars.