Bangko Sentral ng Pilipinas, maglalabas ng commemorative 150-peso coin bilang pagkilala sa GomBurZa

Maglalabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng isang commemorative coin bilang pagkilala sa mga Pilipinong pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora o mas kilala bilang GomBurZa.

Batay sa kanilang Facebook post, magsisimula ang pagbebenta ng 150-peso commemorative coin sa Lunes, January 16, 2023 sa ganap na ala-una ng hapon sa BSP store na ibebenta sa halagang 2,200 pesos.

Tampok sa harapan ng barya ang litrato ng Gomburza, ang marka ng Republika ng Pilipinas at halaga nitong 150-piso.


Sa likod naman makikita ang logo ng BSP, ang paglagay ng dedikasyon ni Dr. Jose Rizal sa El Filibusterismo, ang silhouette ng monument ni Andres Bonifacio sa Caloocan City at ang opisyal na logo ng ika-150 taon ng pagkakamartir sa tatlong pari.

Yari ang barya sa Nordic gold at may bigat na 15 gramo.

Facebook Comments