Manila, Philippines – Nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas na ngayon na ang huling araw upang papalitan ang mga lumang bank notes o perang papel.
sa kalatas ng BSP, maari pang humabol ang may hawak na old banknotes upang ito ay papalitan sa mga awtorisadong bangko o kaya naman ay sa mga BSP cash department dahil simula kasi bukas ay wala ng halaga ang nasabing salapi.
Sa pamamagitan ng Resolution No. 2331 pinalawig ng BSP ng tatlong buwan simula noong March 31 ang pagpapalit ng mga lumang peso bills dahil na rin sa hiling ng publiko.
Ang nasabing lumang banknotes ay inilunsad ng BSP noon pang 1985 at nagpalabas ng bago noong December 2010.
Kabilang sa mga lumang banknotes ang 5, 10, 20, 50, 100, 200, 500 at 1,000 peso bills.
Facebook Comments