Manila, Philippines – Pinalawig ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang deadline sa lahat ng mga bangko na palitan ng Europay Mastercard Visa o EMV technology ang mga debit o credit cards ng hanggang Hunyo 2018.
Ayon kay BSP Deputy Director Melchior Plabasan – mas ligtas sa skimming o electronic na pangongopya ng impormasyon ang mga card kapag may EMV chip.
Pero dahil nasa higit 80 milyong cards at higit 100,000 ATM at point of sale terminals ang kailangang i-upgrade, aminadong hirap ang ilang malalaking bangko.
Nanawagan ang BSP sa mga cardholder na lumapit sa kanilang bangko at magpapalit ng EMV card para matiyak ang seguridad ng kanilang transaksyon at ipon.
Facebook Comments