CAUAYAN CITY — Tinalakay ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Region 2 ang kasalukuyang estado ng digital payments sa bansa na ginanap sa Isabela State University-Echague Campus.
Binigyang-diin nila ang mga benepisyo nito sa pagbayad ng mga bills at pag-transfer ng pera sa ibang bank account.
Sa isang programa na bahagi ng information education campaign ng BSP, nagsagawa sila ng talakayan sa closing ceremony ng 35th National Statistics Month.
Pinayuhan din ng BSP ang publiko na maging mapanuri at mag-ingat sa mga online scams na patuloy na lumalaganap.
Samantala, hinihikayat nila ang mga mamamayan sa rehiyon na nagmamay-ari ng mga lumang banknotes na ibigay ang mga ito sa BSP upang maiproseso.
Facebook Comments