Marawi City – Madadagdagan pa ang ang mga healing center sa Marawi City ang Department of Social Welfare and Development para sa mga pamilyang naapektuhan ng giyera sa pagitan ng Militar at Maute -ISIS nitong mga nakalipas na buwan.
Sinabi ni DSWD OIC Emmanuel Leyco, na ang magiging sentro ng ibat ibang aktibidad tulad ng congregational o group psychosocial sessions, play therapy para sa mga kabataan, individual counseling, at iba pang kahalintulad na sessions ay makalatulong sa healing at recovery ng isang tao.
Ang center, na tatawaging ‘Marawi DSWD Healing Center ay magsisilbi bilang isang daycare center para sa mga residente ng Marawi, lalo na sa mga kababaihan, mga bata, at mga matatanda.
Ang konstruksyon ng DSWD Marawi Healing Center ay bahagi pa rin ng mga ipinangako ng pamahalaan na tulungan ang mga internally displaced persons ng Marawi City hindi lamang sa pagbibigay ng pagkain at livelihood opportunities kungdi pati na rin ang pagtingin sa kanilang psychosocial well-being.
Ang konstruksyon ng center ay popondohan ng pamahalaan ng 46.1 million pesos.
<#m_1656564657751709371_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>