Marawi City – Target ng pamahalaan na makahanap ng developer para sa mas malaking programa para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Ito ay matapos ang pagbibigay ng pansamantalang tirahan sa mga Internally Displaced Persons sa lungsod.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, isang modernong Islamic City ang balak ng pamahalaan sa gitna ng re-development para sa Marawi City na nawasak bunsod ng limang buwang bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno at Maute – ISIS.
Aniya, isang showcase city ang plano para sa nasirang lungsod na may apat na lane highways at world class promenade.
Sa kasalukuyan, mayroon nang limangdaang (500) military engineers ang naipakalat sa Marawi City para tumulong sa recovery, reconstruction at rehabilitation operations.