Manila, Philippines – Inihayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na nasa 1,648 na pamilya pa ang mga nasa evacuation center matapos ang Marawi Siege noong nakaraang taon.
Ayon kay Andanar, umabot narin sa humigit kumulang 300 milyong piso ang halaga ng assistance ang natanggap ng mga nabiktima na kinabibilangan ng Financial Assistance, Food Packs, Pabaon, Hygene Kits at mga gamit sa kusina.
Sinabi din ni Andanar na mayroon pang 3.5 bilyong pisong halaga ng mga proyekto na nilagdaan sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda kung saan 1 bilyon aniya dito ay gagamitin sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Maliban aniya sa financial assistance ay nagbigay din ang Japan ng mga kagamitan na makatutulong sa rehabilitasyon ng lungsod.
Mayroon din aniyang tulong na magmumula sa Estados unitodos na nagkakahalaga ng 100 milyong piso para sa gagamin sa food security sa lungsod at mga kalapit na lugar.