BANGON MARAWI | Mga engineers na magsasagawa ng assessment, biyaheng Marawi na

Marawi City – Nagpadala na ng engineers ang Department of Education (DepEd) sa Marawi City para sa pagsasagawa ng assessment sa mga gusali ng 39 na paaralang nasira bunsod ng bakbakang idinulot ng teroristang Maute Group.

Bumuo ang DepEd ng anim na teams na kinabibilangan ng 4 na DepEd Engineers, isang reprisintante mula sa ARMM, at Marawi City School Division, at mga tauhan ng Disaster Risk and Reduction Management System at Education Facilities Division.

Ang mga minor repairs na kinakailangang kumpunihin ay tututukan sa Miyerkules (December13) kasabay ng paglulunsad ng Brigada Eskwela.


Base sa datos ng DepEd, nasa 22,714 students at 1,411 na mga guro ang naapektuhan sa nasabing bakabakan.

Facebook Comments