BANGON MARAWI | Pagpili sa magiging developer ng Marawi rehabilitation under negotiation na

Manila, Philippines – Inihayag ni Taskforce Bangon Marawi at Housing and Urban Development Council Chairman Eduardo Del Rosario na umaandar na ang negosyasyon sa kung sino ang magiging developer para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Sa bangon Marawi Briefing kanina ay sinabi ni Del Rosario na walang Filipino construction firm ang kanilang ikinokonsidera na siyang mangunguna sa rehabilitasyon ng lungsod at sa halip ay mula sa China at Malaysia kanilang pinagpipilian dahil mula sa mga ito ang nagsumite ng kanilang intension na manguna sa rehabilitasyon.

Sinabi ni Del Rosario, target nilang matapos ang negosasyon sa huling araw ng buwan ng Mayo at makapili na ng Developer.


Target din aniya nilang maikasa ang ground breaking ceremony sa a-7 ng Hunyo habang target naman nilang matapos ang rehabilitasyon ng Marawi bago matapos ang 2021.

Facebook Comments