Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Kiko Pangilinan sa pamahalaan na ibigay ang lahat ng tulong, pondo, mga resources o materyales sa mga Bakwit ng Marawi para mapagaanan ang kanilang pasanin.
Ang pahayag ni Pangilinan ay makaraang payagan na ang mga Bakwit na makabalik sa kanilang mga tahanang nawasak dulot ng paghahasik ng karahasan ng grupong Maute.
Binigyang-diin pa ni Pangilinan na dapat ay matiyak na may boses ang mga residente sa Marawi sa anumang plano ng pamahalaan sa kanilang lugar.
Idinagdag pa ni Pangilinan na kung gagawing ecozone ang bahagi ng Marawi ay dapat siguraduhin na hindi nito masasakop ang mga ancestral land ng Maranaw at iba pang mga residente ng lungsod.
Facebook Comments