BANGON MARAWI | Pamahalaan, itinangging itinigil na pamimigay ng relief goods sa mga bakwit sa Marawi City

Marawi City – Pinasinungalingan ng Office of the Civil Defense ang patarang na inihinto na ang pamimigay ng relief goods sa mga bakwit mula sa Marawi City.

Ayon kay OCD assistant Secretary Toby Purisima, sa kanilang pagkakaalam ay patuloy parin ang pamimigay ng relief goods at wala namang balita na inihinto ang pamimigay nito.

Pero posible naman aniyang nagkaroon lang ng logistic issues kaya bahagyang naantala ang pamimigay ng relief goods sa mga apektadong residente.


Binigyang diin pa ni Purisima na walang balak ang pamahalaan na ihinto ang relief operations lalo at nasa early recovery phase pa lang ang mga residente ng Marawi City.

Nangako din naman si Purisima na sisilipin kung totoo na nagkaroon ng pagkaantala sa distribusyon ng relief goods.

Facebook Comments