Manila, Philippines – Gagamitin na bilang theme song ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) ang kantang “Awit sa Marawi” ng sikat na songwriter na si Vehnee Saturno.
Kinumpirma mismo ito ng task force sa isinagawang press conference kanina sa Malacañang.
Noong Biyernes, March 2, nang pumirma sa Memorandum of Agreement si Saturno na ginanap sa tanggapan ng Housing And Urban Development Coordinating Council sa Makati.
Nauna nang sinabi ng composer na hindi siya nagdalawang-isip na ipagamit ang kanyang kanta hindi dahil sa bayad kundi dahil sa magandang purpose ng gobyerno sa paggamit nito.
Ang Awit sa Marawi ay may mensahe tungkol sa pagkakaisa ng mga Pilipino nang hindi pinag babatayan ang kulay.
“Hindi kulay ang kailangan upang magkaisa / pula, puti, asul, dilaw, tayo ay iisa,”
Binigyang-boses naman ito ng child singer at The Voice Kids finalist na si Essang Dela Torres.