Hindi kinatigan ng mayorya ng mga Muslim ang nais ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.
Sa pahayag ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) at Moro National Liberation Front (MNLF), sinabi nito na sumusuporta sila sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at sa kampanya ng Bagong Pilipinas para sa pagkakaisa at pagbabago.
Ayon kay Bangsamoro Government Chief Minister Ahod Ebrahim, sinusuportahan nila ang implememtasyon ng probisyon sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).
Bagama’t marami pa aniyang dapat gawinay kinikilala nila ang kontribusyon ng mga dati at kasalukuyang administrasyon para sa kaayusan ng Mindanao.
Dagdag pa ni Atty. Suharto Ambolodto, isa sa miyembro ng BTA, naranasan na ng mga taga-Mindanao ang kahirapan at kaguluhan at ayaw na nila itong maulit pa.
Nakatitiyak aniya sila na sa ilalim ng Bagong Pilipinas ay makakmit ang kapayapaan at pag-unlad sa pamamagitan ng pagkakaisa.