
Nagkasa ng kilos-protesta at naghain ang League of Bangsamoro Organizations (LBO) ng petisyon sa Korte Suprema para kuwestyunin ang Bangsamoro Autonomy Act (BAA) No. 77 o Bangsamoro Parliamentary Redistricting Act of 2025.
Ayon sa grupo, ang BAA No. 77, na nilagdaan noong Agosto 28, 2025, ay naglalayong baguhin ang mga distrito ng parlamento sa BARMM dahil sa pagtanggal ng Sulu.
Kaugnay nito, ibinahagi ang pitong upuan sa Lanao del Sur, Maguindanao del Norte/Sur, Basilan, Tawi-Tawi, Cotabato City, at Special Geographic Area.
Giit ng LBO, labag ang BAA No. 77 sa Konstitusyon dahil sa “gerrymandering” kung saan tinutulan nila ang kapangyarihan ng pangulo na humirang ng pitong Miyembro ng Parlamento.
Sinabi ni Deputy Speaker Atty. Lanang Ali Jr., na mamituturing na pagtataksil ang BAA No. 77 sa Bangsamoro Organic Law kaya’t manawagan din sila sa pagtanggal kay OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr.
Nagbabala ang LBO na malalagay sa panganib ang halalan, karapatang bumoto, at kapayapaan sa rehiyon.









