BANGSAMORO | Ceremonial signing ng BOL, gagawin sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Itinakda na August 6 (Lunes) ang ceremonial signing ng Bangsamoro Organic Law o BOL na gagawin sa Malacañang.

Matatandaang pormal na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang BOL noong July 26 para maging isang ganap na batas.

Kung susundan ang mga nakagawian sa Malacañang kapag mayroong malaking ceremonial signing ng batas ay dadaluhan ito ng speaker of the house, senate president at iba pang mga mambabatas.


Gaganapin ang nasabing ceremonial signing bago pumunta sa Mecca, Saudi Arabia si Bangsamoro Transition Commission Chairman at Moro Islamic Liberation Front Vice Chairman for Political Affairs Ghadzali Jaafar para naman sa kanyang pilgrimage.

Facebook Comments