BANGSAMORO | Ceremonial signing ng BOL, pangungunahan ni P-Duterte ngayong araw

Manila, Philippines – Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang seremonya bilang tanda ng pagsasabatas ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ito ay matapos mapirmahan ng punong ehekutibo ang batas na sumisimbolo ng major milestone sa Bangsamoro peace process.

Ayon kay Presidential Peace Adviser Secretary Jesus Dureza, ang BOL ay magbibigay ng makabuluhang otonomiya sa mga kababayang Moro sa Mindanao.

Dagdag ni Dureza, isang pambihirang batas ang BOL dahil produkto ito ng ilang taong peace negotiations kasama ang Moro revolutionary groups at iba pag stakeholders sa Mindanao.

Ang seremonya ay inaasahang dadaluhan ng mga opisyal mula sa Bangsamoro Transition Commission (BTC), Moro Islamic Liberation Front (MILF) at iba pang lider mula Mindanao.

Facebook Comments