BANGSAMORO | DFA naniniwalang magsisilbing daan sa pangmatagalang kapayapaan ang BOL

Pagprotekta sa karapatan ng mga mamamayan sa religious freedom and belief o paniniwala ang core principle nang nilagdaang Bangsamoro Organic Law (BOL), na nagsisilbing daan para sa pangmatagalan kapayapaan sa Mindanao.

Ito ang binigyang diin ni Foreign Affairs Undersecretary for Strategic Communications and Research Ernesto Abella nang dumalo sa 1st Ministerial Forum to Advance Religious Freedom sa Washington D.C.

Sinabi ni Undersecretary Abella, isa sa mga mahahalagang layunin ng roadmap na ito ay ang pagpasa ng Organic Law para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, na pinaniniwalaan susi sa tunay na kapayapaan, pag-unlad ng ekonomiya at inclusive growth sa Mindanao.


Ang Bangsamoro Organic Law (BOL), na inaprobahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 26, ay naglalayong magtatag ng isang political entity na tinatawag na Bangsamoro.

Kabilang sa mga prominenteng katangian ng batas, ang pagpapatupad ng Shari’ah Law sa mga kaso na kinasasangkutan ng mga Muslim, ang 75 to 25 wealth-sharing term pabor sa Bangsamoro at ang taunang pagbibigay ng limang porsyento sa nitong panloob na kita ng bansa.

Pinangunahan ng US Department of State, 80 mga kinatawan ng gobyerno at international organizations mula sa buong mundo ang dumalo sa internasyonal meeting, kung saan ang mga delegasyon ay nangako na itaguyod ang kalayaan sa relihiyon at mag mungkahi ng mga action plan upang isulong ang layunin.

Facebook Comments