Bangsamoro Government may bagong Bandila

Isinapubliko na ang bandila ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Itoy matapos pumasa sa 3rd and final reading ng Bangsamoro Transition Autority Parliament at nilagdaan na rin ni Interim Chief Minister Ahod Ebrahim.

Ang bandila ay may apat na kulay, berde, puti, pula at dilaw.


Sinasabing sumisimbolo ang kulay berde sa relihiyong Islam, kapayapaan at kabutihan sa puti, mga Mujahideen sa pula at bagong pag-asa para sa dilaw.

Ang bandila ay may crescent moon, may bituin na may pitong rays o sinag na sumisimbolo sa mga lalawigan ng Maguindanao, Sulu, Lanao Del Sur, Tawi-Tawi, Basila at at syudad ng Cotabato at 63 mga branggay na ngayor nasa ilalim na ng BARMM

Meron din itong Kris na nagsisimbolo sa paglaban sa kahirapan at kaapihan sa Bangsamoro Homeland.

Facebook Comments