BANGSAMORO GOVERNMENT | Pangulong Duterte, bibisitahin si MNLF founding chairman Nur Misuari at mga Tausug leader sa Jolo, Sulu

Manila, Philippines – Bibisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Moro National Liberation Front (MNLF) founding Chairman Nur Misuari at ang mga Tausug leader sa Jolo.

Ayon kay Duterte, ito ay para pag-usapan nila kung ano ang magiging papel ng mga Tausug sa Bangsamoro government.

Una nang sinabi ng Pangulo na maaaring hindi uubra na mangasiwa sa sulu ng Bangsamoro government ang mga Maranao at Maguindanawan at mga nakabase sa Central Mindanao.


Muli namang iginiit ng Pangulo na hindi niya papagayan na magkaroon ng police force o sandatahang lakas ang Bangsamoro government.

Pero kung sino man aniya sa MNLF o Moro Islamic Liberation Front (MILF) na gustong sumanib sa pulis ay pwede namang i-absorb.

Facebook Comments