BANGSAMORO | Moro sa Maynila mangangampanya para sa plebisito ng BOL

Mauunang kakasa sa kampanya ng plebisito ang mga Moro na nakatira sa labas ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

Ayon kay 1Bangsamoro Consultative Council o 1BANGSA Leader, Alan Balangi, maghahanda sila ng “Keyboard Warriors” na tutulong sa ‘information drive’ upang palaganapin ang tamang pananaw ukol sa mga teritoryong ipinaglalaban ng bangsamoro at maipagwagi ang botong “yes” sa plebisitong gaganapin sa nalalabing tatlong buwan.

Nanindigan si Balangi na bagaman mahirap gawin ay babawiin nila ang mga lugar na tinanggal sa orihinal na BBL.


Titipunin din aniya nila ang isanlibong ‘online volunteers’ upang sumabak sa kampanya gamit ang social media.
Nakikipag-ugnayan na rin sila sa isang foundation na Accredited sa TESDA para maglunsad ng ‘competency’ training sa larangan ng social media.

Facebook Comments