BANGSAMORO ORGANIC LAW | Malacañang, tiwala na gagawin ng COMELEC ang kanilang parte

Ipinauubaya lang ng Palasyo ng Malacañang sa Commission on Elections ang pagsasagawa ng plebesito para sa Bangsamoro Organic Law o BOL.

Matatandaang kailangang pumasa sa plebesito ang naturang batas para ganap na maipatupad sa Bangsamoro Region.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, isang independent constitutional body ang Comelec kaya hindi ito maaaring utuisan ni Pangulong Rodrigo Dutgerte na gawin ang mga dapat gawin.


Naniniwala si Roque na sa oras na ganap maging epektibo ang BOL ay alam naman ng COMELEC ang kanilang dapat gawin na naaayon sa kanilang mandato.

Facebook Comments