Hindi inaalis ng Commission on Elections (COMELEC) ang posibilidad na maaapektuhan ang voters turnout ng plebisito sa Feburary 6 para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) kasunod ng pasabog sa Jolo, Sulu.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez ilan sa mga botante ang nag-aalala sa kanilang kaligtasan.
Pero naniniwala si Jimenez na ang terror attacks ay hindi maaapektuhan ang pagdedesisyon o pagpili ng mga botante.
Ang February 6 plebiscite ay isasagawa sa Lanao Del Norte, at sa mga bayan ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit, at Pigkawayan sa North Cotabato.
Inaasahang nasa halos 700,000 botante ang lalahok sa ikalawang plebisito.
Facebook Comments