Nagpulong para sa inaugural session ang mga bagong talagang miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA).
Sila ay nagkaroon ng eleksyon ng mga bagong set ng officers ng parliament sa Cotabato City.
Nahalal bilang speaker of the parliament si Atty. Pangalian Balindong.
Kabilang sa iba pang mga inihalal ay deputy speakers, majority leader, secretary general at sergeant at arms.
Ayon kay Balindong, hindi sila pwedeng mabigo dahil nagdusa na nang matindi ang kanilang mga kapatid na Muslim.
Aniya, sa pamamagitan ng kanilang pagkakaisa mababayaran ang dugo na isinakripisyo ng kanilang mga kapatid na Muslim upang makamit ang pangarap na kapayapaan, progreso, at karapatan para sa self-determination.
Kaugnay nito, mandato ng BTA na gumawa ng batas para sa kanilang priority legislation kabilang ang Bangsamoro Administrative Code, Bangsamoro Revenue Code, Bangsamoro Electoral Code, Bangsamoro Local Governance Code, Bangsamoro Education Code at Bangsamoro Civil Service Code.
Sa pitong priority codes na ito, aprubado na ang administrative, civil service at education code.