Bangsamoro Transition Council, nakatakdang buuin

Nakatakdang bumuo ng Bangsamoro Transition Council o BTC na magno-nominate ng mga magiging kasapi ng Bangsamoso Transition Authority o BTA.

Ito ay oras na matapos ang ikalawang plebisito na gaganapin sa Lanao del Norte at sa North Cotabato bukas, Pebrero 6.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, mapapabilang sa mga nominasyon ang mga taong alam ang mga adhikain ng itatatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.


Kapag aniya natapos ang prosesong ito at naitatag na ang BARMM maaari na silang magkaroon ng parliamentaryo hanggang sa pwede na silang magkaroon ng regular na eleksyon.

Facebook Comments