Bangsamoro transition, pinamamadali

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na ang pagtatatag ng Bangsamoro Regional Government ay magpapa-angat sa kalidad ng buhay sa Mindanao.

Sa kanyang ika-apat na SONA, ilang dekadang nalugmok sa kahirapan ang ARMM.

Pero umaasa ang Pangulo na magkakaroon ng ligtas at komportableng buhay sa mga Muslim at katutubo sa Bangsamoro region.


Ipinagmalaki ng Pangulo ang pagsasabatas ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Binanggit din ng Pangulo ang pamumuno niya ng National Task Force na tatapos sa local terrorist armed conflict.

Nagtalaga rin ang Pangulo ng isang cabinet member sa kada rehiyon para sa harmonization ng government efforts sa pagkamit ng national development security.

Facebook Comments