Bangsamoro Transition Plan Aprubado na!

Inaprubahan ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) ang Bangsamoro Transition Plan na isinumite ni Chief Minister Al-Hajj Murad Ebrahim sa special session kahapon sa lungsod.

Ang transition plan ay binalangkas ng coordinating team for transition (CT4T) na binubuo ng mga miyembro mula sa gobyerno tulad ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), Department of Budget and Management (DBM), Civil Service Commission (CSC) at ARMM pati na Moro Islamic Liberation Front (MILF) para sa transition mula sa ARMM tungo sa BARMM.

Isinumite ito ni Chairman Ebrahim sa BTA noong May 30. sinabi ni Ebrahim na, ang nakapaloob sa naturang dokumento kung paano ang transisyon mula sa ARMM tungo sa bagong tatag na gobyerno, ang Bangsamoro.


Kabilang din sa dokumento ang organization chart para sa iba’t-ibang ministries, offices, at agencies mula sa BARMM pati na ang timeline para sa unti-unting pag-phase out sa mga ahensya at opisina sa ilalim ng dating ARMM.(Daisy Mangod)

Facebook Comments