Pinaghahandaan na ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang taunang pagdiriwang ng world renowned Bangus Festival ngayong taon.
Binuksan na ang pagpapareserba ng bangus grills para sa mga nais makilahok sa ipinagmamalaking Kalutan ed Dalan tampok ang pangunahing produkto ng lungsod – ang Bangus.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa 2025 Bangus Festival Executive Committee na matatagpuan sa Dagupan City Tourism Office.
Nagpahayag din ng excitement hindi lamang ang mga Dagupeños, maging ang mga Pangasinenses sa inaabangang mga guests na magpapasaya araw ng pagdiriwang.
Samantala, matatandaan na noong nakaraang taon ay naitala ang nasa 20, 000 na mga bangus na sabay-sabay inihaw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









