
Hatid para sa mga Dagupeno at mga kabataan ang Bangus Festival DagVibe na bahagi pa rin ng selebrasyon ng Bangus Festival sa Dagupan City.
Magaganap bukas, April 22 ang mga aktibidad na Skim Competition, Open Mic/Spoken Poetry, sunset appreciation & beats by Noff at film viewing. Sa April 23 naman, magaganap ang live mural competition, tattoo competition at magkakaroon ng tugtugan.
Maaaring magtungo ang mga nais makilahok at makibahagi sa pagdiriwang sa Mayor’s Pavillon, sa Japanese Garden, sa Tondaligan Beach mula alas otso ng umaga hanggang alas syete ng gabi.
Ito ay sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa mga iba pang katuwang na hanay at mga creative talents na bumubuo ng DagVibe. |ifmnews
Facebook Comments








