Nalulugi na ang ilang bangus growers sa lungsod ng Dagupan dahil sa pagkamatay ng kanilang mga alagang bangus na epekto ng nararanasang init ng panahon.
Ayon sa isang bangus grower sa lungsod hindi umano kinakaya ng mga alagang isda ang init ng tubig na dahilan ng kanilang pagkamatay.
Kahapon ang lungsod ang nanguna sa bansa na nakapagtala ng 48°C na heat index.
Sa inilabas na abiso naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ligtas umano sa red tide toxin ang mga shellfish sa baybayin ng lalawigan sa kabila ng nararanasang init.
Nasa 115 pesos hanggang 135 pesos ang kada presyo ng bangus ngayon dito sa lungsod ng Dagupan.
Sa ngayon, nanatiling normal ang suplay at bentahan ng bangus sa lungsod sa kabila ng nararanasang init ng panahon.
Facebook Comments