BANGUS INDUSTRIYA SA DAGUPAN CITY, PLANO PANG PAGBUTIHIN

Naging produktibo ang pulong ng lokal na pamahalaan kasama ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – National Fisheries Development Center (BFAR-NFDC) upang talakayin ang mga estratehiya sa pagpapalakas at pagsusulong ng industriya ng pagbabangus sa lungsod.

Sa naging pagpupulong, mas pinaigting ng mga tanggapan ang kanilang hangarin na maiangat ang produksyon bilang suporta sa kabuhayan ng mga sumisigay, bukod pa sa mga ipinapatupad nang programa at proyekto.

Bilang paghahanda sa nalalapit na Bangus Festival ngayong Abril, paiigtingin ang aquaculture development at palalawakin ang paggamit ng Kadiwa Truck bilang mobile product center tampok ang mga produktong bangus.

Magkakaroon din ng mga pagsasanay para sa kababaihan at iba pang residente hinggil sa iba’t ibang paraan ng pagproseso, at pagluluto ng bangus upang mapalakas ang kanilang kabuhayan.

Facebook Comments