BANGUS INDUSTRY NG DAGUPAN CITY, PATULOY NA PINAPALAWAK

Patuloy na napapalawak ang Dagupan Bangus at ang Bangus Industry ng lungsod ng Dagupan matapos ang matagumpay na selebrasyon ng Bangus Festival 2023, daan nito’y mas maipakilala pa mapanational at worldwide ang pangunahing produkto – ang Bangus at ang siyudad mismo.
Sa pamamagitan ng tinanghal na Bangusine tampok ang iba’t-ibang potahe na ang Bangus bilang main ingredients, ilang mga menu mula sa kalahok ang nakagawa ng kakaibang mga preparasyon na nakikitang malaki ang potensyal upang mas makilala ang Dagupan Bangus.
Ilang mga bansa rin ang nagpakita ng interes sa industriya ng Bangus sa lungsod tulad ng mga bansang Thailand, Vietnam, Romania at iba pa.

Alinsunod din sa nasabing pagpapalago ng Bangus industry ay ang pondong ibinigay ng national government sa pamamagitan ni Sen. Marcos at DA na ilalaan sa pagbili ng mga kinakailangang equipment upang mas mapabuti ang produksyon ng bangus.
Samantala, hindi lamang ito makatutulong sa sektor ng Turismo ng syudad, gayundin mapapayaman nito ang sektor ng agrikultura at malaking katulungan ng mga bangus growers sa Dagupan City. |ifmnews
Facebook Comments