BANGUS INDUSTRY SA DAGUPAN CITY, MAS PINALALAKAS PA

Mas pinalalakas pa ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City ang sektor ng aquaculture lalo na sa industriya ng bangus bilang pangunahing ikinabubuhay ng mga Dagupeno sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa lahat ng fish processor tulad na lamang ng Sarangani Bay Alsons Aquaculture Corporation na interesadong mag-operate sa BFAR-NIFTDC Dagupan Seafood Processing Plant.
Sinabi ng alkalde na bukas ang siyudad para sa mga interesadong private manufacturers dahil ayon sa kaniya ay handa na ang siyudad para pamahalaan ang seafood processing plant na matatagpuan sa Bonuan Binloc.
Ang malaking hakbangin na ito ay inaasahang magpapalakas ng suporta sa industriya ng bangus sa Dagupan para sa export at lokal na merkado.

Ayon kay BFAR Center Chief Dennis Tanay, ang pakikipagtulungan ng mga interesadong planta sa pagitan ng BFAR at ng siyudad ay makakatulong upang mapadali ang operasyon sa larangan ng bangus industry.
Tiniyak naman ni Sarangani Bay Corp., Vice President for Processed Food, Jerico Pascual na ibabahagi ang kanilang kaalaman o technical expertise at magbibigay ng quality standard measures sa lokal na industriya ng bangus. |ifmnews
Facebook Comments