BANGUS PRODUCTION SA DAGUPANCITY, PATULOY NA PINAPAHUSAY; LIMANG MILYONG PISONG PONDO PARA RITO,MAIPAGKAKALOOB

Maipagkakaloob ang nasa limang milyong pisong halaga na ilalaan para sa ilang kagamitang kailangan sa Bangus Industry na tutulong upang mas mapahusay pa ang Bangus Production sa Dagupan City – ang bangus na ipinagmamalaking produkto ng siyudad.
Ang nasabing 5M grant ay magmumula kay Sen. Imee Marcos at DA na ibibigay sa lokal na pamahalaan na at nakatakdang para sa pagkakaroon ng refrigerated truck at cold storage equipment.
Ang cold storage equipment ay ang kagamitang nagpapanatili ng nararapat na temperatura o mababang temperatura sa anumang pagkain o goods na iiimbak. Pinipigilan ng mga ganitong uri ng kagamitan ang pagkasira ng pagkain, at tinitiyak ang regulasyon sa kaligtasan ng pagkain upang mapanatili ang kalidad ng mga ito.
Naaayon naman ang kaganapang ito lalo na at namamayagpag ang Dagupan Bangus, alinsunod na rin sa gaganaping Bangus Festival 2023 sa darating April 30 ngayong buwan. Asahan ang libo-libo at kalidad na mga bangus na iiihaw sa isa sa highlight ng pagdiriwang na Kalutan ed Dalan.
Facebook Comments