Isusulong ni dating Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson na magkaroon ng sariling bank account ang bawat Pilipino sakaling siya ay maging Senador ng bansa.
Ang panukalang ito ay ginawa ni Singson matapos niyang harapin ang mga Senior Citizens ng District 5 sa Lungsod ng Maynila.
Sabi ni Singson, 91% ng mga Pinoy ay walang sariling bank account kung kayat nahihiraparan ang gobyerno na magbigay ng mga serbisyo tulad ng ayuda.
Sakaling manalo ng Senador, agad daw gagawa ng panukalang batas si Singson na bawat 18 anyos pataas na Pinoy ang magkaroon ng access sa mga banko.
Ito’y upang mas mabilis na maibaba ang tulong ng pamahalaan tulad ng mga ayuda.
Nagawa na daw niya ito sa bayan ng Narvacan, Ilocos Sur noong siya pa ang Alkalde at hanggang ngayon ay nagagamit pa ito ng mamamayan doon.