Ipinakita ng isang International Bank ang certification para pabulaanan ang alegasyon na mayroong account sa kanila si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia.
Sa inilabas na certification ng HSBC Makati Branch, walang account sa kanila si Garcia taliwas sa mga ipinasang dokumento ni dating Caloocan City Cong. Edgar Erice sa Comelec.
Ang paglalabas ng certification ay ginawa ng HSBC dahil na rin sa kahilingan ni Garcia na buksan ang anumang record nito para malaman ng publiko.
Kabilang ang HSBC sa mga isinumite ng dating kongresista sa Comelec na umanoy bahagi ng 14 na bank account ni Garcia kung saan nagkaroon ng malaking deposito ng pera mula sa Miru System para aprubahan ang kontrata sa 2025 midterm elections.
Matatandaan na naglabas na rin ng kaparehong bank certificate ang Landbank of the Philippines, BPI, Metrobank at Union bank para itanggi ang mga dokumentong ipinasa ni Erice sa Comelec.