Bank accounts hacking, dapat matuldukan upang hindi mawala ang tiwala ng publiko sa banking system

Pinapaaksyunan ni Senator Grace Poe sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang insidente ng hacking sa ilang online banking accounts tulad ng nangyari sa BDO Unibank.

Giit ni Poe, dapat itong matuldukan upang hindi mawalan ng tiwala ang mamamayan sa banking system sa bansa.

Hiling ni Poe sa BSP, gawing transparent at mabilis ang imbestigasyon sa mga ganitong insidente.


Ayon kay Poe, hindi sapat na maibalik lang ang perang ninakaw sa mga depositor.

Diin ni Poe, ang dapat ay matukoy ng BSP at ng Anti-Money Laundering Council kung sino ang mga sangkot upang hindi na ito maulit.

Kasabay nito ay pinaparepaso rin ni Poe sa BSP ang pagtugon nito sa mga pagkukulang o pagkakamali ng mga bangko.

Ayon kay Poe, biktima rin ang mga bangko rito pero dapat ay may kakayahan silang kontrolin ang sitwasyon at magpatupad ng sariling security systems.

Facebook Comments