Bank documents mula sa Ombudsman, hindi raw maaaring magamit sa impeachment case laban sa Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Hindi magagamit sa posibleng impeachment complaint laban sa Pangulong Duterte ang bank documents na sinasabing galing sa Ombudsman.

Sinabi ng Pangulo na hindi maituturing na malakas na ebidensiya ang nasabing mga bank account documents kahit sabihin pang genuine o totoo ang mga ito.

Ayon sa Pangulong Duterte, ito ay dahil “illegally obtained” o nakaw ang naturang mga dokumento at hindi maaaring gamitin sa alinmang proceedings.


Una na ring nilinaw ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na wala silang binigay na dokumento sa Ombudsman hinggil sa bank records ng Pangulo.

Facebook Comments