Bank lending sa bansa, tumaas ng 12% noong Hulyo ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas

Tumaas ang outstanding loans ng mga universal at commercial bank noong buwan ng Hulyo.

Batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), sumirit sa 10.213 trillion pesos ang kabuuang halaga ng utang sa mga bangko, mas mataas ng 12% kumpara sa 9.118 trillion pesos sa kaparehas na panahon noong 2021.

Habang mas mataas ng bahagya sa naitalang 10.193 trillion pesos noong Hunyo 2022.


Ayon sa BSP, tumaas ang pangungutang para sa mga sumusunod na sektor: real estate, manufacturing, information and communication, whole and retail trade, at repair sa mga motor vehicles at motorcycle.

Facebook Comments