Friday, February 20, 2026

Bank records ni VP Duterte, posibleng busisiin bilang bahagi ng proseso ng impeachment

Ayon kay House Deputy Speaker and La Union Rep. Paolo Ortega V, posibleng busisiin ang bank records ni Vice President Sara Duterte bilang bahagi ng impeachment proceedings.

Inihayag ito ni Ortega na isa sa mga endorser ng ika-apat na impeachment complaint laban kay VP Sara kung saan nakapaloob ang umano’y hindi nito pagdeklara ng hindi maipaliwanag na yaman sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs).

Ayon kay Ortega, sa ikaapat na reklamo ay hiniling ng complainant na si Atty. Nathaniel Cabrera na ipa-subpoena ang bank records ni VP Duterte na naglalaman ng deposits, withdrawals, transfers at account activity mula 2019 hanggang 2025.

Apela din ni Cabrera ang pakikipag-ugnayan sa Commission on Audit (COA), Bureau of Internal Revennune (BIR) at at Anti-Money Laundering Council (AMLC) hinggil dito.

Diin ni Ortega, seryoso at nakababahala ang umano’y hindi paglalagay ni VP Sara sa kanyang SALN ng lahat ng kanyang bank accounts, mga ari-arian at galaw ng kanyang pananalapi.

Paliwanag ni Ortega, may constitutional investigatory powers ang Kamara sa impeachment proceedings at may jurisprudence na nagpapahintulot na maisantabi ang bank secrecy alang-alang sa interes ng publiko.

Facebook Comments