BANK SECRECY LAW | Imbestigasyon sa bank accounts ni Pangulong Duterte, magiging limitado

Manila, Philippines – Handa si Senator Francis Chiz Escudero na tugunan ang hirit ni Senator Antonio Trillanes IV na imbestigahan ang umano’y mga bank accounts ni Pangulong Rodrigo Duterte at anak na si Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ayon kay Escudero, ito ay kung sakaling mai-refer ang nabanggit na imbestigasyon sa pinamumunuan niyang Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies.

Pero ayon kay Escudero, katulad sa pagbusisi sa mga bank accounts ni dating Commission on Elections Chairman Andres Bautista ay magiging limitado lamang ang patutunguhan ng kanilang pagdinig dahil sa Bank Secrecy Law.


Sakaling mapunta kay Escudero ang paghawak sa isyu, ay pangunahin niyang ipapatawag si Mayor Sara upang bigyan ng tsansa na makapagpaliwanag.
Sabi ni Escudero, hindi nila ipapatawag si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig pero bukas aniya ang komite kung nais nitong dumalo. ion-col? � �]

Facebook Comments