Indonesia – Idineklarang ipinagbabawal na organization ng korte sa Indonesia ang local extremist group na Jemaah Ansharut Daulah (JAD).
Ang JAD ay umanib sa Islamic State (IS) at responsable sa madugong terror attacks sa Indonesia kabilang ang 2016 Jakarta attack.
Dahil sa inilabas na desisyon ng korte, inaatasan na ang mga awtoridad na tugisin at kasuhan ang mga miyembro nito at alamin ang mga nagpopondo rito.
Nabatid na banned na sa Indonesia ang radical Islamic group na Jemaah Islamiyah noong 2008 dahil napatunayang nagkasala sa pagsasagawa ng terorismo.
Facebook Comments