Bansa, dapat maging bukas sa joint exploration

Manila, Philippines – Iminumungkahi ng isang Kongresista na maging bukas ang bansa sa joint exploration.
 
Ayon kay ang edukasyon Rep.  Salvador Belaro Jr. dapat na bigyang daan na ng Pilipinas ang joint exploration sa exclusive economic zone ng bansa sa West Philippine Sea at Benham rise.
 
Dagdag ni Belaro,  ang exclusive right ng bansa para mag-explore sa mga lugar na ito ay pwede namang i-waive o isantabi at pumasok ang gobyerno sa joint venture agreement.
 
Kailangan lamang anyang tiyakin na hindi dehado dito ang Pilipinas kaya nararapat na malinaw ang kasunduan sa umpisa pa lamang.
 
Makakatulong aniya ito upang mapakinabangan din ng bansa ang yaman na nasa teritoryo kaakibat na may malinaw na polisiya upang hindi maabuso.
 

Facebook Comments