Bansa, lalo lamang magkakawatak-watak kapag natuloy ang impeachment laban kay VP Sara —Sen. Imee Marcos

Naniniwala si Senator Imee Marcos na lalo lamang magkakawatak-watak ang bansa kapag natuloy ang panawagang patalsikin sa pwesto si Vice President Sara Duterte.

Kaugnay ito sa isinasagawang pagtitipon-tipon ng iba’t ibang mga grupo na nanawagan para ituloy ang impeachment case laban kay VP Duterte.

Ayon kay Sen. Marcos na kilalang kaibigan ni Duterte, pakinggan ang naunang pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos na huwag nang ituloy ang impeachment.


Aniya, lalo lamang mahahati ang bansa at magkakagulo gayong humaharap din tayo sa napakaraming problema sa bansa.

Apela ni Sen. Marcos, mas unahing tugunan ang problema ng mataas na presyo ng abono, krudo, pagkain at kawalan ng trabaho.

May parinig din si Sen. Imee sa tinawag niyang “Ambisyoso” na nakakalat na tumigil na muna at napakaraming isyu ng bansa.

Facebook Comments