Bansag na “bangag administration,” mas bagay raw sa Duterte admin ayon kay Usec. Castro

Bumwelta si Palace Press Officer Claire Castro kay Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte matapos nitong tawaging na historically ignorant ang opisyal at bangag administration ang kasalukuyang pamahalaan.

Nag-ugat ang palitan ng maaanghang na salita nang punahin ni Castro ang mga patakaran ng nakaraang administrasyon sa isyu ng West Philippine Sea.

Giit ni Castro, dapat balikan ni Pulong ang mga sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na umaming walang magagawa sa harap ng agresyon ng China sa West Philippine Sea.

Dagdag pa niya, hindi dapat manlait ng “bangag” ang Kongresista dahil mismong si Duterte ang umamin na gumagamit ng marijuana at Fentanyl.

Giit ni Castro, kung may karapatang matawag na “bangag,” mas bagay ito sa nakaraang administrasyon.

Nanindigan din si Castro na hindi dapat baluktutin ang kasaysayan at dapat harapin ng mga opisyal ang mga iniwang isyu ng nakaraang gobyerno.

Facebook Comments